Silver Lining I: Bakit Masayahin ang Pinoy?
Bakit nga ba, eh ang daming problema ng mga Pinoy? Maraming hindi nakakakuha ng magandang edukasyon, marami ang nagugutom, marami ang walang trabaho, marami ang nadadaya, marami ang naiisahan. Walang pera, makasariling gobyerno, iniinsulto ng ibang bansa. Pero, kahit ganyan, masaya pa rin ang mga Pinoy, mas masaya pa kumpara sa mga tao sa kanluran na higit naman ang pagka-unlad sa atin.
Kung ganon, bakit? Simple lang. Noypi eh.
Rasong Noypi # 1:
Kasi marunong tayong tumawa sa harap ng mga suliranin. "Suliranin" hindi bilang isang kalamidad na pinagtatawanan ng mga Pilipino kasi sa ibang tao nangyari, kundi "suliranin" bilang mga hamon at kahirapan sa buhay. May salawikain nga na ang pinakamabisang gamot ay ang pagtawa. Sigurado hindi 'yon mula sa isang Pilipino pero ang mga Pilipino naman ang kumakatawan sa kasabihang iyon. Sa sobrang hilig nga sa pagtawa kahit sarili kayang tawanan!
"Pare, nawala yung pera ko."
"May tawag dyan."
"Oo nga, tanga!"
Ha Ha Ha… Tawa nang tawa na parang wala ng bukas.
Rasong Noypi # 2:
Kasi dinidibdib ang konsepto ng pakikipagkapwa-tao. Bagong kakilala pa lang, ang turingan na magkaibigan. Kaka-kamay pa lang kung makipagtawanan akala matagal na nilang ginagawa yon. Bumati lang at nag-opo sa tindera tila suki na ang tingin sa sarili. Isang oras pa lang nagsasama parang matalik nang magkaibigan kung magpalitan ng sikreto.
"Ako si Pinay 1. Ikaw?"
"Kamusta! Ako si Pinay 2. Crush ko si Pinoy 1 pero sikreto lang ha."
"Oo ba! Ako ang crush ko si Pinoy 2. 'Wag mo sasabihin sa iba ha."
Sa susunod pati ang password sa e-mail at blog naiibahagi na din.
Rasong Noypi # 3:
Mahilig sa good time kahit walang perang pang-gastos. Kahit mangutang pa basta makasali sa kung anong trip ng barkada: Inuman, kantahan, kainanan, manood ng sine, at marami pang iba.
"Tara, videoke tayo!"
"Wala na kong pera. Utang muna!"
'Keys me, beneath the milky twilay…silvymousse is barkley…'
Rasong Noypi # 4:
Ibang klase ang banat ng mga programa at commercial sa telebisyon at radyo. Hanep ang mga linya, patunay na kaya nating maghayag ng importanteng mensahe sa nakakatawang paraan.
"Economy o Quality?"
"Pwede bot?"
- E.Q. diapers
"Mama, para! Wala akong passport!"
- Cossack Vodka
Rasong Noypi # 5:
Mahilig sa mga corny jokes at kung anu-ano pang mga kalokohan. Sabi nga ng pinsan kong kano, "Everything is funnier in Tagalog." Syempre!
"Anong sinabi ng bear sa langgam?"
"Ano?"
"Eh di 'rawr!' Alanga-namang magsalita ang bear!"
Simula sa seryosong mga rason hanggang sa mga kalokohan, lahat nagpapaliwanag kung bakit masayahin ang mga Pinoy. Third World na kung Third World, at least ang kulubot lang natin sa mukha laugh lines. Eh sila?
~
Dahil kailangan bumawi sa talumpati...shyet
Paola @ 10:17 PM